Paano Makahanap ang Mga Tabletas na Pampalaglag sa iyong Lugar

Maghanap ng Mga Pills ng Abortion

May iba’t ibang pamamaraan upang makakuha ng mga tabletas na pampalaglag batay sa kung anong bansa ka nakatira. Kung sasabihin mo kung saang bansa ka, masasabi namin sa iyo ang ilang mga pagpipilian kung paano ka makakakuha ng mga tabletas na pampalaglag at kung paano magkaroon ng ligtas na pagpapalaglag. Makipag-ugnay sa amin upang maipaliwanag namin kung paano makakuha ng ligtas na pagpapalaglag.

Kung nais mong bumili sa inyong lugar ng tabletas na pampalaglag, may ilang mahahalagang mga payo na nais naming ibahagi sa iyo.

Minsan ang lokal na pagbili ng mga tabletas ay mahirap dahil hindi ka nakasisiguro sa kalidad nito o kung ito nga ay tunay o hindi. Madalas ding mas mahal ang mga ito. Ang mga sumusunod ay ilang mga payo na isasaisip kung bibili ng mga tabletas na pampalaglag.

Lokal na Paghahanap ng Mifepristone

Kung sinusubukang mong lokal na bumili ng Mifepristone, maaaring mahirapan ka sa paghahanap nito. Ito ay dahil hindi ito rehistrado sa maraming bansa, lalo na kung saan ang ligtas na pagpapalaglag ay ligal na pinaghihigpitan. Mahirap mahanap ito, kahit sa mga botika. [1]

Nangangahulugan ito na halos lahat ng pagkakataon na makakita ka man ng Mifepristone sa mga impormal na bilihan, hindi ito tunay.

Walang paraan upang matiyak namin o ninyo kung tunay nga ang tabletas sa pagtingin lamang dito. Ito ay dahil may iba’t ibang tatak at samakatuwid iba-iba ring hugis, laki, at klase ng kulay. Ang tanging paraan upang makaseguro ay kung ang Mifepristone ay nasa loob pa rin ng orihinal nitong pakete. Kung iyan nga ang kaso, suriin ang expiration date. [2]

Kung nakahanap ka ng Mifepristone, tandaan na ito ay inireseta ng may medikal na kasanayan at kakailanganin mo lamang ng 1 tabletas ng 200 mg upang makumpleto ang isang matagumpay na pagpapalaglag. [3]

Minsan ang dosis (mg) ng mga tabletas na iyong mahahanap ay iba, kaya kailangan mong kalkulahin ang bilang ng mga tabletas. Halimbawa, kung ikaw ay makakahanap lamang ng mga tabletas na:

– 10mg, kailangan mo ng 20 na tabletas para maabot ang wastong dosis na 200 mg.

– 50 mg, kailangan mo ng 4 na tabletas para maabot ang wastong dosis na 200 mg.

– 100 mg, kailangan mo ng 2 na tabletas para maabot ang wastong dosis na 200 mg.

– atbp

Lokal na Paghahanap ng Misoprostol

Mas madaling hanapin sa inyong lugar ang Misoprostol dahil ito ay rehistrado sa maraming bansa para sa ulser sa tiyan, pagpapahilab, o sa paggamot sa postpartum hemorrhages. Sa ilang mga bansa, maaari mo itong mabili mula sa mga botika nang walang medikal na reseta. [4]

May iba’t ibang tatak ang Misoprostol. Kung minsan ay makikita mo ang gamot sa ilalim ng pangalang: Cytotec, Cyprostol, Misotrol, Prostokos, Vagiprost, Misotac, Mizoprotol, Misofar, Isovent, Kontrac, Cytopan, Noprostol, Gastrul, Chromalux, Asotec, Cyrux, Cytil, Misoprolen, Mibetec, Cytomis, Miclofenac, Misoclo, Misofen, Misogon, Alsoben, Misel, Sintec, Gastrotec, Cystol, Gastec, Cirotec, Gistol, Misoplus, Zitotec, Prestakind, Misoprost, Cytolog, GMisoprostol, Mirolut, Gymiso, Oxaprost

Maaari ka ring gumamit ng tabletas na kumbinasyon ng Misoprostol at Diclofenac, basta ang dosis ng Misoprostol ay 200 mcg. Ang gamot na ito ay nasa pangalan ng Oxaprost, Oxaprost 75, at Arthrotec. Para sa karagdagang impormasyon sa paggamit nito, tingnan ang seksyon ng Kadalasang Tinatanong na mga Katanungan at makipag-ugnayan sa amin kung kinakailangan.

Kung gagamit ka ng Misoprostol lamang para magkaroon ng pagpapalaglag, kakailanganin mo ng 8-12 na tabletas sa kabuuan, depende sa tinantiyang gulang ng iyong pagbubuntis. Kung maaari, mas mabuting gumamit ng 12 na tabletas.

Laging pinakamahusay na maghanap para sa mga tabletas sa kanilang orihinal na pakete, ngunit kung hindi ito posible siguraduhin na suriin ang mga tabletas. Pindutin ang mga ito upang matiyak na hindi nila matunaw at suriin na pareho silang hitsura. Tiyakin na masuri din ang petsa ng pag-expire kung sila ay nasa orihinal na pakete.

Bago mo hahanapin ang mga tabletas ng pagpapalaglag sa iyong lugarl, mangyaring basahin at maging pamilyar sa iyong mga lokal na batas na may kaugnayan sa pagpapalaglag, paggamit ng mga tabletas ng pagpapalaglag at anumang mga kinakailangan tungkol sa pagkakaroon ng mga reseta mula sa mga karapat-dapat na rehistradong manggagamot bago bumili at gumamit ng gayong mga tabletas ng pagpapalaglag. Ang safe2choose ay walang pananagutan sa anumang mga paglabag sa bagay na ito.

Para sa listahan ng mga rehistradong manggagamot at mga klinika sa pagpapalaglag sa inyong lugar, mangyaring makipag-ugnay sa amin.

Mga tagubilin kung paano gamitin ang mga tabletas

Kung bibili ng mga tabletas mula sa iba’t ibang lokasyon, maging ito ay sa impormal na merkado, mula sa botika, o sa doktor halimbawa, makakatanggap ka ng nagsasalungat na mga tagubilin kung paano gamitin ang mga tabletas.

Maraming mga nagbebenta ay hindi wastong sinanay at walang sapat na impormasyon kung paano gamitin ang mga tabletas na pampalaglag. Ang ilan sa kanila ay nagbebenta ng mga tabletas na pampalaglag upang kumita, hindi upang suportahan ang mga kababaihan. Bago gumamit ng mga tabletas na pampalaglag, mangyaring kumpirmahin na sumusunod ka sa wastong tagubilin sa pamamagitan ng pagbasa ng aming online na mga protocol sa pagpapalaglag gamit ang Mifepristone at Misoprostol o gamit ang Misoprostol lamang o sa pamamagitan ng pagsulat sa aming mga tagapayo at makipag-ugnayan sa amin.

Maski ang mga botika at doktor ay maaaring magbigay ng maling impormasyon sa paggamit ng mga tabletas. Ang mga paghihigpit sa pagpapalaglag at ang katotohanang ang pagpapalaglag ay hindi tanggap ng lipunan sa maraming lugar ay lumilikha ng kapaligiran ng kathang-isip at huwad na impormasyon, maski sa loob ng mga kawaning medikal.

Mahalagang sundan ang mapagkakatiwalaang mga tagubilin na nakabatay sa mga siyentipikong pag-aaral at aprubado ng mga pandaigdigang organisasyon sa kalusugan. Kung marami ka nang nabasang iba-ibang impormasyon, makipag-ugnayan sa amin upang malinaw namin ang iyong pag-aalinlangan at mabigyan ka ng mapagkakatiwalaang impormasyon. [5]

Tandaan na ang safe2choose ay naririto upang suportahan ka.

Ang aming mga tagapayo ay propesyunal na sinanay na may madamaying pamamaraan sa karapatan ng mga kababaihan upang magabayan ka sa pagpapalaglag gamit ang tabletas nang may wastong tagubilin kung paano gamitin ang mga ito. Palagin naming sinusunod ang mga panuntunan ng World Health Organization (WHO)Kung kinakailangan, gagawin namin ang aming lubos na makakaya na mairefer ka sa mga maaasahang organisasyon na makakatulong sa iyo na makakuha ng mga tabletas na pampalaglag o makakuha ng lokal na impormasyon tungkol dito. [3]

[1] Gynuity. Mifepristone approvals. Retrieved from: https://gynuity.org/assets/resources/mife_by_country_and_year_en.pdf.

[2] IPPF. Registered Mifepristone brands. Retrieved from: https://www.medab.org/advanced-search-multiple-results?country=all&commodity=100&brand=all#multiple-search-result

[3] World Health Organization. Safe abortion: technical and policy guidance for health systems. Retrieved from: https://apps.who.int/iris/bitstream/handle/10665/70914/;jsessionid=B7AEEBE4F34809D869F73B1ABA7F6221?sequence=1

[4] WHO. Essential Medicines List Application Mifepristone–Misoprostol for Medical Abortion. Retrieved from: https://www.who.int/selection_medicines/committees/expert/22/applications/s22.1_mifepristone-misoprostol.pdf?ua=1

[5] Ipas. (2019). Clinical Updates in Reproductive Health. L. Castleman & N. Kapp (Eds.). Chapel Hill, NC: Ipas. Retrieved from: https://www.ipas.org/wp-content/uploads/2023/09/Ipas-Clinical-Updates-in-Reproductive-Health-CURHE23b.pdf

Mga Pagpipilian sa Ligtas na Pagpapalaglag na may Tabletas